Nakakahingal, nakakahabol hininga, nakakapagpawis ng sobra. isang malamig na ligoang nararapat para mapawi ang lahat ng kahibangang ito. pagkatapos ay ang paglapat ng aking kayumangging balat sa bawat malambot na hibla ng kumot at ang malamig na paghagkan ng ihip ng kahimbingan patungo sa kawalan.
5...
4...
3...
2...
1...
"tao po! tao po! pagbuksan nyo ako ng pinto!" mga sigaw na rumirindi sa aking pandinig. ang magandang umaga ay nabahiranng maingay nitong paanyaya. sa pagkakabukas ko ng stainless na pinto ng aming bahay may naramdaman akong kakaiba. para bagang nagslow-mo ang bawat patakng oras at paunti unti ang andar nito. napayuko ako at una kong nakita ang mga hita nito.
naging pamilyar sa akin ang mga hita. agad pumasoksa aking isipan ang plengke kung saan nakakabili ng tulad nito. crispy ang kilalang luto nito at ang sarap nito ay kaaya aya. hmmm... sarap! napangiti ako at napailing na lamang. pinagpatuloy ko ang paguusisa. nakakita naman na akon ng napakalaking watermelon at dalawang melon sa gawing itaas nito. napakasarapkung iisipin. lalo na kung tunay ngang lalasapin.
"Hoi!" sigwa niya. nagulat ako at nahulog sa aking kawalan. tumambad sa aking harapan ang aking tiyahin. sa kanya pala galing ang mga sigaw ng sirena. "ay... tuloy po kayo!" magalang kong sagot na may patagong hagikgik dahil sa mga nalalaro ng aking isipan. oo nga pla, Tiya Cha na lamang ang ating pantawag sa mataba at maingay kong tiyahin.
may tatlo siyang bag na daladala mula mismo sa bahay nila sa may kalapit na lungsod.
plastic bag ang isa sa mga ito, laman nito ay isang supot ng maliliit na bawang kasama ang dalawang putol ng luya, isang supot ng durog na kamatis at isang supot ng mga gulay. nariyan ang talong, malalaking sili, ampalaya, okra, at patani na mga pangunahing sangkap ng "ilocanong pinakbet" . laman pa ng isang plastik bag ang tatlong lalagyan. pinapaitan, nilagang baboy at chicken carrey ang mga mahihiwagang laman ng mga ito. kapansin pansing puro pagkain ang laman lahat. mukhang mapapalaban ako sa pananghalian.
comforter na isinilid sa isang malaking sako na may hawakan (naiintindihan mo?). luntian ang kulay nito at aninag ang hugis ni pooh sa kagubatan. tantya ko kasya ang isang tipikal na laki ng isang tao sa loob ng bagna isa sa dala ni tiya cha.
ako nga pala ang paborito niya. paborito nyang utus utusan sa bawat pagsikat ng araw, sa tuwing napapagawi ang kanyang liempuhin mga paa dito sa bahay para na akong nabihag at nasistensyahan ng panghabang buhay na pagkakakulong sapagkat wala akong ligtas sa mga sunod sunod niyang mga utos. ngunit matapos ang lahat aypara akong hari na busog sa mga katakam takam na pagkain.
pagkatapos niyang ibaba ang lahat ng kanyang bitbit, agad na niya akong pinagbanat ng mga kasukasuan at mga buto. pinagsaing ako ng bigas para sa pito kataong kakain ngunit may sampung bituka. pinaghakot niya ako ng damit na maipapadala sa baguio para sa isa ko pang kuya na doon namamalagi. matapos ay ang pagsilid sa luntiang sako. tumulong ang aking ina sapagaayos ng maipapadala. pinabuhat niya ang 5 kilong bitbitin at kami ay nagtungo sa isang station ng bus. kilala ang mga bus na ito sa asul na kulay at bilis ng biyahe.
pumila kami sa waybill section. habang kausap ng nakauniporme sa loob ang mama sa aming unahan , hiniram ng aking tiyahin ang isang pentelpen upang patungan ang de-bolpeng sulating naglalaman ng impormasyon para sa taong papadalhan. nagkataong kami na ang sumunod, isinauli na ng aking tiyahin ang marker. at habang naguusap sila napalingat ako sa lalaking nakauniporme na kausap ng aking tiyahin. namumula ang mga mata nito. ang butas ng kanyang mga ilong ay napakalaki. sa bawat paghinga niya ay may kasunod na usok halintulad sa isang dragon. ang tono ng kanyang pananalita ay daig pa ng sunod sunod na kulog. sa di malamang dahilan, ang mga bala at bomba ng iraqat amerika ay nagsasagupaan sa ulo nitong lalakeng nakuniporme. nakakairita ang mga galaw ng kanyang katawan. buti na lamang at natapos na ang kanilang transakasyon.
nag-aya muna ng pahinga ang aking tiyahin. di ko siya masisi dahil may katandaan na rin ang tiya. naupo kami sa bakal na upuang nakalaan para sa mga nagaantay na pasahero. asul ang pintura nito. kasya ang apat hanggang limang katao.
sa tatlong hilera ng upuan, sa ikatlo ang nadaungan ng aming puwetan.tahimik ang lugar sa mga oras na yaon. mabibilang lang sa aking daliri ang dami ng taong naroon at kasama na roon ang mga empleyado sa stasyon. ang katahimikan ay nakatulong kahit papaaano sa pagpapahinga ng aking tiyahin. ilang saglit lamangmay nakapagtatakang pangyayari ang naganap. naramdaman ko ang marahan ngunit malakas na pag uga sa aming kinalalagyan. inakala kong malakas na pintig lamang iyon ng aking puso kaya parang nagkakaugaan at kaya pilit kong pinahinto ang aking oras habangtahimik kong pinapakiramdaman ang paligid. napansin din pala ito ni tiya cha, "lumilindol!" wika niya. narinig ng lalaking nakasumbrero ang sinbi ni tiya cha. "hala! akala ko ako lang ang umuuga sa upuang ito!" wika nito habang nakaakbay ang kanang kamay nito sa sandalan ng kanyangkinauupuan. sumagot ng pangiwi ng labi ang aking tiyahin sa nakausap. tumagal angnaturang pagyanig ng halos tatlo hanngang apat na minuto.(huwag akong paniwalaan.. di ko alam ang oras.. lagi akong late! ^_^). makalipas yaon ay muli na kaming sumakay ng tricycle patungo kung saan man.
umaarangkada ang sinasakayan naming tricycle at bumaba kami sa harapan ng isa ko pang tiyahin na si tiya chi. magkapatid sila at tunay na magkasundo ang dalawa. tumuloy kami at simula na ang kanilang balitaktakan. " lam mo si ganito? naganyan dun...blah blah blah..." talak ng isa. "sino? si ano?... ow? di nga?" sagot naman nung isa. "kaya nga ganyan dahil sa nangyari!" patuloy parin winika. nagpatuloy ang kanilang usapan at lumipas ng lumipas ng lumipas ng lumipas ng lumipas ng lumipas ng lumipas ang oras. paghinga na lamang ang kanilang naging pahinga. hindi kaya napapagod ang kanilang mga labi sa pagbukabukaka? o ang kanilang utak sa pagiisip ng mga mawiwika?
napalingat ang tiyahin kong si chi sa akin at nagsabing "ay oo nga pala.. uutusan ka pala namin sa bahay ng tiya cha mo. iniabutan niya ako ng walumpung piso na gagamitin kong pamasahe at nagbilin na bilisan ko. wala na akong inatubiling oras gaya ng kanyang ibinilin kung kayat muli akong nagpaalam at pumatungo. "teka lang! sabay na rin ako!" isang sigaw mula sa likuran ang aking nadinig mula kay tiya cha.
-----------inaantok na ko... to be continued...-------------
-----------paxenxa na .. di ko akalain na mahaba pala xa....-------------
---------kaunting paunawa lng po..------------------
-----------malapit na matapos..-------------