Puti.
Sa kalangitan masisilayan
Liwanag at kalangitan
Walang ibang kulay
'Tsurang walang kamalay malay
Nung tayo pa ay bungal
Hangad na ang agad na paggising
Ngayong tayo na'y hangal
Tulog ay di na natin binibitin.
Bahay bahayan, baril barilan.
Laro lang ang katapat.
Kendi lang ang hinahangad
Wang pake, basta saya agad
Sa kalangitan masisilayan
Liwanag at kalangitan
Walang ibang kulay
'Tsurang wala pang halay
Kayod dito kayod roon.
Parang baka di alam san paparoon
Tingin sa kaliwa tingin sa kanan
Lahat ng bagay biglang may kahulugan
Magulo, tuliro at di na matino
Hindi mo na malalaman san ka tutungo
Dalawa man ang ating braso
Ang mundo ay di kasya sa paso
Sa dulo ng ating paglalakbay
Walang ibang kasama at kaakabay
Kundi ang sarili, puso at isipan
Pangarap at mga natutunan.
Iiyak, tatawa, hihikbi at hahalakhak
Mabubuo, mawawagas at mawawasak
Matutumba , gagapang at tatayo
Walang maiiwan at lahat malalayo
Hanggang sa nagsimula ka sa wala
At matatapos sa latak ng wala
Kulay na una mong nakita
At huling mamamalayan sa twina
Sa kalangitan masisilayan
Liwanag at kalangitan
Walang ibang kulay
'Tsurang walang kamalay malay