Thursday, November 17, 2011

Isa akong KWENTISTA

"Isa akong KWENTISTA. Ang mundo ay magulo, maingay at makulay. mMaraming kwento ang bumabalot at sumasapaloob rito. Isa akong KWENTISTA at hindi isang hamak na USISERO lang. Gumagawa ako ng sense sa mga bagay bagay na walang sense. Isa akong KWENTISTA. Nais kong marinig ang ingay ng aking likha, gulo ng aking isipan at kulay ng aking mga salita. Isa akong KWENTISTA. Pangit ang sulat ko, magulo at kinayod ng manok ang hitsura pero KWENTISTA ako at mamatay akong isang KWENTISTA... maingay, madada, masalita at makikilala."

Brief Description... sana!

Habang excited akong nagaantay sa isang kaibigan, nakahiga ako at nakaharap sa

makabagong kagamitang ito na pansulat ng aking mga artikulo... e napagisiipan kong muling

galawin tong BLOG na ito. Nagaantay at tuliro. Sinubukan kong isaayos ang pagkakapresenta ng

BLOG na ito... konting design, konting gamit ng creativity.

Ginanahan akong gumawa ng BRIEF DESCRIPTION ng profile ko... kung saan maari kong

ipagmalaki ng kahit papano ang PAGKATAO ko... at magkaroon naman ng kahit konting

kaalaman ang magbabasa ng BLOG na ito. Ang susunod na talata ay yung nagawa kong BRIEF

DESCRIPTION sa pangalawang pagkakataon:

" Isa akong KWENTISTA. Ang mundo ay magulo, maingay at makulay. Maraming kwento ang bumabalot at sumasapaloob rito. Isa akong KWENTISTA at hindi isang
hamak na USISERO lang. Gumagawa ako ng sense sa mga bagay bagay na walang
sense. Isa akong KWENTISTA. Nais kong marinig ang ingay ng aking likha, gulo ng
aking isipan at kulay ng aking mga salita. Isa akong KWENTISTA. Pangit ang sulat ko, magulo at kinayod ng manok ang hitsura pero KWENTISTA ako at mamatay akong
isang KWENTISTA... maingay, madada, masalita at makikilala. "

Huwag ng tanungin kung anu ang nangyari sa unang try ko... kasi nagbuigay lang ito ng

error. Di ko alam kung ayaw lang talaga gumana at may problema o ayaw lang talaga tanggapin

ang kayabangan kong iyan. Pero anyways, share ko lang namn yan. Pag pwede na ulet ayun..

update ko na lang ulet ang BLOG ko.

ABANGAN na lang ang mga susunod na post ko. MARAMING SALAMAT.