Sa katahimikan ng aking puso... Sa kabila ng kaingayn ng mga bagay sa paligid ko... Katahimikan muna ang kailangan ko.
Sa katahimikan ng aking puso... Sa kabila ng ingay ng aking pagiisip... Katahimikan lang muna ang kailangan ko.
Walang iba munang iisipin... Hihinga... Bubuga... Hihinga... Bubuga... At hihinga at bubuga. Walang iba muna sa isip ko.
Katahimikan... Katahimikan... Katahimikan lang muna...
Pipikit ako para sa sandali nito wala akong makikita at wala muna akong maiisip.
Mabibibingi muna ako... Para wala na muna akong marinig at maisip.
Sa katahimikan ng aking puso... Sa kabila ng ingay ng aking isipan at kapaligiran. Katahimikan sa loob at katahimikin lang sa loobin an kailangan ko.
Katahimikan.